May matangkad na Greko
Na bumisita sa preso
Natipuhan ng isang Pilipino
At pinakilala sa kanyang apo
Na bumisita rin sa preso
Mahinhin na dalagita
Ang gusto ng banyaga
So nag-date sila sa Luneta
At nagholding-hands pa
Sa ilalim ng mangga
Isang taon ang lumipas
Nagpakasal din sa wakas
Ang nagmamahalang si Tomas
At si Annalyn Bagasbas
Sa simbahan sa Batangas
Isang araw, may naka-realize
Na pinsan ni Lynlyn na si Lyz
Na marami palang sinabing lies
Itong si Tomas na mukhang plays (English: "pliers")
Na minsan ay mukha 'ring katol
Pero bago sila maghiwalay
May isang araw na sila'y sumablay
Dahil itong si Lynlyn na mahalay
Ay gusto palang maging nanay
So nagpabuntis siya kay Tomay
Mestisong bata ang lumabas
Crush ng bayan itong si Kulas
Kaso di niya alam ang panglunas
Sa kanyang pusong butas
Na di kayang takpan maski ng bayabas
So nagtangka ang bonitong mestiso
Na pumunta sa kabilang dako
Nang sa kanya may nagpayo
Na isa ring mestisong gwapo
(Na anak ng maitim na Kano)
Sayang beauty mo sister, sabi niya
Sumama ka nalang sa akin sa Maynila
At doon tayo magpakaganda!
Di tayo bagay maging Shanna
Dahil, hello, mukha tayong artista!
Napangiti si Kulas ng malaki
Kasi finally sa kanya may nakaintindi
Na kapwang magandang lalaki
Na feel din na siya'y pwedeng-pwede
Maging isang BB Gandanghari!
So nagpaparty si Kulas sa kanila
Dahil sa wakas alam na niya
Na siya pala ay isang bakla
And buti cool din si Mama
Na ang anak nya'y maging mestisa
Last Day 3
| Ang mestisang yogart: maganda sa mata, maganda sa tiyan. |
* * *
Takaw sa taco
'Pag pagod ka na sa katatakbo
Posibleng makaubos ka ng taco
Sa loob ng limang minuto
Gaya ko
('Yun lang!)
Last Day 4
![]() |
| Magpasalamat ka at sinakop tayo ng iba't ibang bansa. |


